2010 Play Schedules (so far)

Excited na ako for 2010! At this point, may dalawang play na akong naka-line up na papanoorin.

Manonood kami ng kapatid ko ng Rent on February 19, 8:00 PM sa C.P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza. Since musical ito at sobrang favorite ko yung movie, excited na ko mapanood ito. Sana magagaling ang players dito.

Sa August 8 naman, sa CCP, 8:00 PM, Cats naman ang papanoorin ko! Siyempre, pakana nanaman ito ng kapatid ko. Mejo dukha ako ngayon kaya sa bubungan lang ang seats pero magdadala na lang kami ng pocket binoculars para naman mas exciting! Ehehehe!

If you have time, sama kayo!!!

Gantimpala Theatre Presents “Kapulungan ng mga Diyos” at the Rizal Park Open Air Auditorium

Kaninang umaga, ginising ako ng kapatid ko, si Rian, dahil isasama daw niya ako sa lab niya sa UP. Kailangan daw niyang magtrabaho ngayon para wala na siyang poproblemahin pagdating ng 2010. Yun lang sana yung plano. Kaya lang, may nagsend ng message sa kanya sa Multiply. May play daw ang Gantimpala Theater sa Rizal Park sa Open Air Auditorium! Naku, sa isip-isip ko, baka magdusa lang ako buong araw dahil trabaho talaga ang totoong purpose ng pag-alis namin kanina at hindi ako sure kung ano yung play. Ang sabi lang niya sa akin, Gantimpala Theater daw ang production at ang title ng play ay "Kapulungan ng mga Diyos." Sobrang wala kaming kaalam-alam, kung tungkol saan ang play dahil hindi niya binasa ang synopsis pero ang sabi niya, Gantimpala Theater ang gagawa at free naman daw, so pumayag akong sumama. Kaya lang, parang kinabahan ako dahil sobrang in the dark ako about the play at ayaw ko namang ma-bore sa Luneta. Pabuntong-hininga, sinabi ko na lang, "Sige na nga." Dahil wala akong expectations, nagustuhan ko ang play na ito!

Bukod sa mga obvious na rason - libre siya - nagandahan ako sa performance ng Gantimpala Theater dahil musical ang play, witty ang modernization, magaganda ang costumes, ayos ang lighting, magagaling ang mga actors and actresses, at pinag-isipan ang set and special effects design!

Pagdating namin sa bahay, ni-research ko agad ang play. Ayon sa blog ni Gibbs Cadiz, based pala ang play na ito sa play na isinulat ni Dr. Jose Rizal! Ang original title pala ay "El Consejos delos Dioses" na isinulat noong April 1980. Simple lang ang plot ng play. Sa Paraisong Kayumangi, nagtipon-tipon ang mga diyos ng mga katutubong Pilipino. Dahil sa modernization, nathreaten ang pag-eexist ng mundo nila pati na ang kanilang existence so naisipan nila na pumili ng isang libro na librong iluluklok sa kataas-taasan para ma-immortalize at mag-ensure ng survival nila. Sabi nila, kapag ginawa nila yon, masisigurado nila na magsusurvive ang mga luma pero magagandang paniniwala kahit na mag-bago ang mga Pilipino. Ayon sa diyosa ng hangin, si Amihan, dapat daw, "Ibong Adarna" ang iluklok sa Bundok ng Buhay na Walang Hanggan dahil nagtuturo daw ito ng kabutihan. E dahil ibon din si Amihan, biased daw siya, kaya kinontra siya ni Diyan Masalanta. Ang sabi ng diyosa ng pag-ibig, dapat daw, "Florante at Laura" ang mailuklok dahil tungkol ito sa pag-ibig. Siyempre, biased din siya so may kumontra nanaman. Sabi ni Bulan, ang diyosa ng buwan, at ni Apolaki, ang diyos ng araw at pakikipag-digma, dapat daw, Noli Me Tangere at El Filibusterismo daw ang maluklok dahil nagtuturo ito ng pagiging makabayan. Siyempre, teaser tong synopsis na ito, so hindi ko sasabihin kung alin ang nanalo. Pero ang masasabi ko lang, kahit luma na ang plot, magaling ang pag-kakaexecute ng play.

Mula pa nung una akong maexpose sa mga play, gusto ko na talaga ang mga musicals at ito ang unang rason ko kung bakit ko nagustuhan ang "Kapulungan ng mga Diyos." Mejo nakaka-LSS ang mga kanta kahit na hindi ko masyadong na-memorize ang mga lyrics. Maganda rin yung choice ng instrumentation kasi, parang woodwinds ang background music. Light and airy ang dating sa akin na perfect fit dahil nga may pagka-fantasy ang dating ng play.

Bukod don, ang galing din ng adaptation ng script kasi talagang pinag-isipan ng Gantimpala Theater kung paano imomodernize yung dialogue. Para sa akin, effective yung pagpapasok ng mga salitang "BRB," at "chuva" sa dialogue dahil dun pa lang, tawanan na ang lahat ng nasa audience! Aba, pati nga yung mga batang tumatambay sa Luneta, hagalpakan sila sa katatawa. Kung ganun yung effect non sa mga batang walang malay, pano pa kaya sa mga may isip na, di ba?

Nakakatuwa rin ang mga costumes. Eto, tingnan niyo na lang.






Sayang, hindi ko napicturan yung mga leon na galing sa scene na involved ang "Florante at Laura." Sorry din at malabo ang pics. Pasmado kasi ako kaya hindi steady ang shots.

Kita ba sa pics yung parang glow in the dark effect? Ang galing noon. Sana, nakita niyo ito in person.



Gumamit sila ng black light para maemphasize yung mga white na costume at mag-glow yung ibang kulay. Magaling din ang pagkakagamit ng spotlight. Sa ibang parts kasi, may panahon na may solo ang mga diyosa. Effective yung pag-dim ng buong stage except for the spotlight; naemphasize talaga yung mga actresses.

Speaking of actresses at pati na rin actors, ang gagaling ng cast! For one thing, lahat ng main characters, kumakanta. Kudos to Meliza Reyes for playing Diyan Masalanta kasi sobrang bagay yung role sa kanya. Bilang diyosa ng pag-ibig, sexy siya, mahinhin, at matinis ang boses. Catty din ang mga pambabara niya sa isa pang bibigyan ko ng kudos, si Xeno Alejandro na gumanap bilang si Apolaki. Naaliw ako dahil consistent yung character niya. Mula simula hanggang dulo at kahit na kumakanta, namaintain niya yung -h sound sa pagdedeliver niya ng dialogue niya. Tipong ganito yata yung pagkakasabi niya sa El Fili, "El Filibusterismoh." Dahil sobrang emphasized nung -h sa mga syllables, may napansin akong ironic: diyos siya ng pakikipag-digma pero funny yung effect niya sa audience. It's not to say that it's bad; in fact, I like the contrast dahil hindi shallow yung pagkaka-execute ng character. Siguro, kung iba ang gumawa non, parang masungit at galit ang datin ni Apolaki - pero yung ganong portrayal, stereotypical at cliche na. Dahil funny siya pero confident sa pagdedeliver ng mga dialogue na nabudburan ng -h, buo pa rin ang idea na hindi siya takot maging funny. In fact, noone dared to make fun of the accent kasi halatang takot ang ibang characters sa kanya. Silang dalawa yung favorite kong players sa production na ito, pero inuulit ko, magaling lahat ng actors.

Finally, maganda rin yung set design and special effects! Yung entrance and exit ng mga characters, malinis ang pagkakagawa dahil maraming entrance and exits. Dun sa parang platform, may dalawang pinto siguro leading to the backstage kaya hindi monotonous na stage left and right lang ang entrance and exit. Hindi lang yon. Gusto ko rin yung pagkakagamit ng curtain na bumababa para i-cover yung center stage kasi nga may mga part na may solo ang mga diyosa. Lalong naeemphasize yung characters at yung kanta.

Oo, mejo technical ang review ko. Ehehehe! Pero anong magagawa ko, maganda eh. Sana may repeat para madala ko yung pinsan kong bata. I'm sure, mag-eenjoy din siya sa play na ito. Definitely a must see! At sakto pa; Rizal Day in Rizal Park watching a play based on a Rizal original. Panalo, di ba?

    Si Chad

    Si Chad, a.k.a. Richard, ay mahilig manood ng mga play. Dati, sa sine lang siya nanonood ng play, pero nung hinatak siya ni Rian manood live, aba, nahumaling na. Kaya heto, binablog na niya ang reviews niya.

    Ay, sana may magbalita sa akin ng mga play scheds. Kung meron, email niyo ko sa richardbernal@live.com. Hihintayin ko yan!

    Si Rian

    Si Rian, a.k.a Rieziel Ann, ang talagang adik manood ng play. Halos lahat ng reviews dito ay siya ang nagsulat (na kinuha ko lamang sa KAHArian niya).

    Dahil tamad siyang mag-edit ng Blogger account niya, wala tuloy siyang picture.

    Followers