2010 Play Schedules (so far)

Excited na ako for 2010! At this point, may dalawang play na akong naka-line up na papanoorin.

Manonood kami ng kapatid ko ng Rent on February 19, 8:00 PM sa C.P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza. Since musical ito at sobrang favorite ko yung movie, excited na ko mapanood ito. Sana magagaling ang players dito.

Sa August 8 naman, sa CCP, 8:00 PM, Cats naman ang papanoorin ko! Siyempre, pakana nanaman ito ng kapatid ko. Mejo dukha ako ngayon kaya sa bubungan lang ang seats pero magdadala na lang kami ng pocket binoculars para naman mas exciting! Ehehehe!

If you have time, sama kayo!!!

Gantimpala Theatre Presents “Kapulungan ng mga Diyos” at the Rizal Park Open Air Auditorium

Kaninang umaga, ginising ako ng kapatid ko, si Rian, dahil isasama daw niya ako sa lab niya sa UP. Kailangan daw niyang magtrabaho ngayon para wala na siyang poproblemahin pagdating ng 2010. Yun lang sana yung plano. Kaya lang, may nagsend ng message sa kanya sa Multiply. May play daw ang Gantimpala Theater sa Rizal Park sa Open Air Auditorium! Naku, sa isip-isip ko, baka magdusa lang ako buong araw dahil trabaho talaga ang totoong purpose ng pag-alis namin kanina at hindi ako sure kung ano yung play. Ang sabi lang niya sa akin, Gantimpala Theater daw ang production at ang title ng play ay "Kapulungan ng mga Diyos." Sobrang wala kaming kaalam-alam, kung tungkol saan ang play dahil hindi niya binasa ang synopsis pero ang sabi niya, Gantimpala Theater ang gagawa at free naman daw, so pumayag akong sumama. Kaya lang, parang kinabahan ako dahil sobrang in the dark ako about the play at ayaw ko namang ma-bore sa Luneta. Pabuntong-hininga, sinabi ko na lang, "Sige na nga." Dahil wala akong expectations, nagustuhan ko ang play na ito!

Bukod sa mga obvious na rason - libre siya - nagandahan ako sa performance ng Gantimpala Theater dahil musical ang play, witty ang modernization, magaganda ang costumes, ayos ang lighting, magagaling ang mga actors and actresses, at pinag-isipan ang set and special effects design!

Pagdating namin sa bahay, ni-research ko agad ang play. Ayon sa blog ni Gibbs Cadiz, based pala ang play na ito sa play na isinulat ni Dr. Jose Rizal! Ang original title pala ay "El Consejos delos Dioses" na isinulat noong April 1980. Simple lang ang plot ng play. Sa Paraisong Kayumangi, nagtipon-tipon ang mga diyos ng mga katutubong Pilipino. Dahil sa modernization, nathreaten ang pag-eexist ng mundo nila pati na ang kanilang existence so naisipan nila na pumili ng isang libro na librong iluluklok sa kataas-taasan para ma-immortalize at mag-ensure ng survival nila. Sabi nila, kapag ginawa nila yon, masisigurado nila na magsusurvive ang mga luma pero magagandang paniniwala kahit na mag-bago ang mga Pilipino. Ayon sa diyosa ng hangin, si Amihan, dapat daw, "Ibong Adarna" ang iluklok sa Bundok ng Buhay na Walang Hanggan dahil nagtuturo daw ito ng kabutihan. E dahil ibon din si Amihan, biased daw siya, kaya kinontra siya ni Diyan Masalanta. Ang sabi ng diyosa ng pag-ibig, dapat daw, "Florante at Laura" ang mailuklok dahil tungkol ito sa pag-ibig. Siyempre, biased din siya so may kumontra nanaman. Sabi ni Bulan, ang diyosa ng buwan, at ni Apolaki, ang diyos ng araw at pakikipag-digma, dapat daw, Noli Me Tangere at El Filibusterismo daw ang maluklok dahil nagtuturo ito ng pagiging makabayan. Siyempre, teaser tong synopsis na ito, so hindi ko sasabihin kung alin ang nanalo. Pero ang masasabi ko lang, kahit luma na ang plot, magaling ang pag-kakaexecute ng play.

Mula pa nung una akong maexpose sa mga play, gusto ko na talaga ang mga musicals at ito ang unang rason ko kung bakit ko nagustuhan ang "Kapulungan ng mga Diyos." Mejo nakaka-LSS ang mga kanta kahit na hindi ko masyadong na-memorize ang mga lyrics. Maganda rin yung choice ng instrumentation kasi, parang woodwinds ang background music. Light and airy ang dating sa akin na perfect fit dahil nga may pagka-fantasy ang dating ng play.

Bukod don, ang galing din ng adaptation ng script kasi talagang pinag-isipan ng Gantimpala Theater kung paano imomodernize yung dialogue. Para sa akin, effective yung pagpapasok ng mga salitang "BRB," at "chuva" sa dialogue dahil dun pa lang, tawanan na ang lahat ng nasa audience! Aba, pati nga yung mga batang tumatambay sa Luneta, hagalpakan sila sa katatawa. Kung ganun yung effect non sa mga batang walang malay, pano pa kaya sa mga may isip na, di ba?

Nakakatuwa rin ang mga costumes. Eto, tingnan niyo na lang.






Sayang, hindi ko napicturan yung mga leon na galing sa scene na involved ang "Florante at Laura." Sorry din at malabo ang pics. Pasmado kasi ako kaya hindi steady ang shots.

Kita ba sa pics yung parang glow in the dark effect? Ang galing noon. Sana, nakita niyo ito in person.



Gumamit sila ng black light para maemphasize yung mga white na costume at mag-glow yung ibang kulay. Magaling din ang pagkakagamit ng spotlight. Sa ibang parts kasi, may panahon na may solo ang mga diyosa. Effective yung pag-dim ng buong stage except for the spotlight; naemphasize talaga yung mga actresses.

Speaking of actresses at pati na rin actors, ang gagaling ng cast! For one thing, lahat ng main characters, kumakanta. Kudos to Meliza Reyes for playing Diyan Masalanta kasi sobrang bagay yung role sa kanya. Bilang diyosa ng pag-ibig, sexy siya, mahinhin, at matinis ang boses. Catty din ang mga pambabara niya sa isa pang bibigyan ko ng kudos, si Xeno Alejandro na gumanap bilang si Apolaki. Naaliw ako dahil consistent yung character niya. Mula simula hanggang dulo at kahit na kumakanta, namaintain niya yung -h sound sa pagdedeliver niya ng dialogue niya. Tipong ganito yata yung pagkakasabi niya sa El Fili, "El Filibusterismoh." Dahil sobrang emphasized nung -h sa mga syllables, may napansin akong ironic: diyos siya ng pakikipag-digma pero funny yung effect niya sa audience. It's not to say that it's bad; in fact, I like the contrast dahil hindi shallow yung pagkaka-execute ng character. Siguro, kung iba ang gumawa non, parang masungit at galit ang datin ni Apolaki - pero yung ganong portrayal, stereotypical at cliche na. Dahil funny siya pero confident sa pagdedeliver ng mga dialogue na nabudburan ng -h, buo pa rin ang idea na hindi siya takot maging funny. In fact, noone dared to make fun of the accent kasi halatang takot ang ibang characters sa kanya. Silang dalawa yung favorite kong players sa production na ito, pero inuulit ko, magaling lahat ng actors.

Finally, maganda rin yung set design and special effects! Yung entrance and exit ng mga characters, malinis ang pagkakagawa dahil maraming entrance and exits. Dun sa parang platform, may dalawang pinto siguro leading to the backstage kaya hindi monotonous na stage left and right lang ang entrance and exit. Hindi lang yon. Gusto ko rin yung pagkakagamit ng curtain na bumababa para i-cover yung center stage kasi nga may mga part na may solo ang mga diyosa. Lalong naeemphasize yung characters at yung kanta.

Oo, mejo technical ang review ko. Ehehehe! Pero anong magagawa ko, maganda eh. Sana may repeat para madala ko yung pinsan kong bata. I'm sure, mag-eenjoy din siya sa play na ito. Definitely a must see! At sakto pa; Rizal Day in Rizal Park watching a play based on a Rizal original. Panalo, di ba?

Si Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto


by Vincent de Jesus

ito ang last ng PETA for this season.. nagbago ng pamagat kaya mejo nalito ako.. akala ko tuloy iba ito. haha!

super aliw ang palabas na ito.. tamang tama sa isang super stressed na taong tulad ko.. makulit ang script. siguradong bebenta sa target audience: ang mga virgin voters. haha. although ako ay hindi na isang virgin voter, naaliw naman ako at marami akong natutunan.. dahil, as usual fo PETA, isa itong social commentary..

nakakaaliw yung konsepto ng Isla Filiminimon. haha. ang sarap sabihin ng filiminimon. ang kulit. tapos may filiminidaddy at filiminimommy. haha. ang kulit talaga. naaliw din ako dun sa isang character (hindi ko na maalala ang pangalan, basta yung si via antonio ang gumanap).. natutuwa ako pag sinasabi niya ang summer camF (summer camp). may p/f at b/v defect siya sa pagsasalita. at consistent sa buong play kahit ang bilis bilis na niya magsalita. hahaha!!!

yung character na diyablo sobrang ganda ng atake ni vincent de jesus. parang meant to be sa kanya ang role na yun. haha. well siya kasi ang nagsulat kaya dapat alam niya kung pano ang best way to portray that role. sobrang galing..

magaling sila kumanta lahat. magaganda ang boses.. aliw tlga pa musical..

mejo hindi ko lang nagustuhan yung thought na masyadong literal yung palabas para sa mensahe pero nagpanggap pa by using an imaginary island. but everything else is just philippine politics. haha. sabi nga sa palabas "perya"

ayun, masaya. sana lahat ng nanood natutunan ang leksiyon ng palabas..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. Huli na to. Hopefully, sa account na ni Rian manggagaling ang mga posts. Bwahaha!

Amphitryon


by Dulaang UP

kung gaano ka-dark ang LULU.. eto naman super light.. hahaha.. not exactly.. kasi darating sa point na masakit na siya sa ulo..pero yung masaya na masakit sa ulo.. wahahaha! super funny.. benta ang mga jokes kasi very good ang delivery...

magagaling ang mga artista: neil ryan sese, lex marcos, george de jesus, paolo o'hara, diana alferez at gilleth sandico.. kaya lang 4 1/2 stars lang dahil sa pagstutter at minsang pagkalito ni gilleth sandico sa mga lines niya.. nakakadistract kasi..

i've seen neil ryan sese sa mga series sa abs-cbn at i think siya yung sa mangatyanan. tapos si lex marcos naman napanood ko na bilang ibarra sa noli at fili dos mil.. kaya naman nagulat ako ng bonggang bongga nung naging makulit na ang roles nila.. para kasing seryoso lang sila palagi.. di ko alam na kayang kaya nilang ipull-off yung mga ginawa nilang kakulitan.. yung mga patawang fight scenes (panoorin niyo para malaman niyo!!! promise,panalo!)..

tapos si paolo o'hara naman nakakaaliw din.. nadisappoint ako dun sa pagganap niya sa isang araw sa peryahan sa virgin labfest.. tapos natuwa na ako sa pagganap niya sa lulu.. pero pinakapanalo ang ginawa niya dito.. haha. nakakatuwa sila ni george de jesus.. panalo!!! si diana alferez din nakakaaliw.. ang kukulit nila....

set design is also panalo.. pati yung lighting.. nagustuhan ko yung ending.. simpleng bongga! hahaha.. basta..

panoorin niyo.. pang unwind.. nice kasi ang pagkagawa ng script.. benta ang kakulitan.. tatawa ka talaga ng bonggang bongga!

(salamat kay ate annie. at kay charlene. for the compli tix.. at kay sir windell na kapareho kong iniwan ang labwork para mag unwind.. sa uulitin ^_^)
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. 

Ismail at Isabel


isa na namang social commentary.. haha.. maganda.. di lang entertainment value.. may relevance.. may mensahe... at cultured..

ang ganda ng mga kanta.. ang ganda ng choreo.. nice :)

nakakaaliw: nakakatawa at nakakaiyak... story of friendship..

ang galing pala ni jihad. ang ganda ng boses niya :)

natuwa din ako sa mga shadow puppets... ang cute.. at ang astig kasi parang tunay :)

sana lang naintindihan din ng mga highschool students na kasabay namin manood. ang gugulo nila. nastress ako...
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. 

UP Repertory

(wait! ang galing nung stars. pwede na ang half.. hahahahaha!)

katulad ng last ko napanood na 3 penny opera, funny din ito at may social commentary.. well, expected ko na naman yun kasi UP Rep. hahaha.. iba nga lang yung pagkafunny nito sa 3 penny opera.. hindi pang kids ang humor nito.. hahaha..

hindi ko masyado nagustuhan yung part na kumakanta sila.. minsan di ko naiintindihan. tapos ulit ulit lang naman.. parang "pinilit" yung mga kanta.. "pinilit" maging musical.. pero maganda naman ang story.. at magaganda din naman ang boses nila

stand out para sa akin ang performance nung gumanap na elsa/chelsea.. panalo.. parang walang kaeffort effort tapos ang entertaining niya panoorin.. haha.. nice voice also :)

nood na.. they still have a show tomorrow, i think.
for more info, go to this site: http://trickstergoddess.multiply.com/journal/item/234/NOOD_TAYO_D
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. 

The Three Penny Opera


pwede ba 10 stars? haha.. bonggang bongga ang production na ito..

sumakit na ang panga ko at abdominal muscle sa kakatawa! lahat na lang ng patawa bentang-benta sa akin.. lalo na pag si ricci chan ang umeeksena... hahahaha! siya na ang bagong dagdag sa listahan ng mga favorite ko.. hahaha!

actually pinanood ko ito dahil nalaman ko na kasama sa cast ang aking idol na si onyl torres.. ang galing galing niya talaga.. hahaha.. magaling silang lahat actually.. sina kalila aguilos, bituin escalante, si frances makil-ignacio... tapos andun din si teroy guzman na napanood ko dati sa dead stars.. actually nung una nag aalangan ako panoorin ito kasi si anton juan din yung director ng dead stars tapos di ko masyado nagustuhan.. pero nung nabasa ko from gibbs cadiz na ito na raw so far ang best production for this year, naisipan ko manood (kahit ang MAHAL ng ticket!)... andun din si carlo cannu na napanood ko na sa iba pang DUP productions.. basta lahat magaling.. ^_^

bukod sa galing ng mga artista, isa pang dahilan kung bakit ko nagustuhan ay dahil sa story at sa mga pasaring nito. yes naman pasaring.. hahaha... ang simple lang ng story.. mas madaling intindihin kaysa sa LULU na pinanood ko nung same day na pinanood ko ito.. haha.. at super aliw yung mga characters.. ang kukulit nila.. haha.. tapos although british setting (tama ba? sa UK ba si queen victoria?), super relate ang bansa natin dun sa pinakita sa palabas.. ang galing kung paano nila naisingit yung mga current issues sa ating bansa sa production na ito.. yung National Artists Awards, ZTE, Hello Garci at super dami pang iba.. pati yung 20,000 dollars na dinner nila GMA.. basta.. bonggang bongga ang pagbatikos nila sa Arroyo administration.. natuwa ako.. hindi dahil sa pagbatikos (pero sort of dahil dun) kundi kung sa paano nila naisingit ang pagbatikos sa kabulukan sa ating bansa sa istorya na di naman talaga based sa pilipinas..

nakakatawa at nakakatuwa ang palabas.. pero higit sa lahat may seryoso at mahalaga siyang mensahe.. ang ganda! amazing! sulit na sulit ang binayad namin ^_^ kahit ulit ulitin mo di mo pagsasawaan..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

Lulu (tagalog version)


Dulaang UP

eto na ang totoong review.. haha.. this time show na talaga ang napanood ko at di na dress rehearsal.. hahaha...

yung napanood ko kanina ay ang tagalog version.. with tuxqs rutaquio as lulu.. galing niya! hay.. idol ko na talaga siya... eversince zsa zsa zhaturnnah at kalungkutan ng mga reyna.. feeling ko nakakapagod ang ginawa niya.. ang haba kaya ng palabas tapos halos lahat ng eksena andun siya.. haggard! iba sa mga previous characters na napanood ko na ginanapan niya ang napanood ko dito.. mas gusto ko pa din yung si ada siya sa zsa zsa.. haha.. yung mabait at mahinhin type. haha!

lahat naman halos ng artista magaling.. haha.. sila: jojit lorenzo (super idol ko din siya, ngayon ko lang siya napanood na walang bahid ng comedy ang role niya. haha!), jc santos, andoy ranay.... yung gumanap na pintor (acey aguilar yata) magaling din sana.. nasstress lang ako sa boses niya.. hahaha.. pati yung tatay ni jc parang hindi naman tatay.. haha.. basta parang hindi bagay sa role.. si alexander cortez magaling din..

pagkatapos ko manood sumakit puso ko. haha. basta ang bigat. parang bawal huminga. buti na lang may mga baklang moments na pang ice breaker. haha.

yung lines din pala pang nosebleed.. yung iba halos di ko na maarok.. kailangan mo makinig mabuti.. malalim.. haha.. syet! muntik na sumabog utak ko sa pag intindi (buti na lang 3 beses ko napanood. bawat nood ko nadadagdagan ang realization ko. haha!)

at ang haba ng play.. ang haba.. 2 hours 15 minutes.. feeling ko kung maikli attention span mo, nakatulog ka na.. haha.. pero bawal nga malost kasi dapat makinig.. pag di ka nakinig di mo maintindihan.. minsan tuloy nalilito ako kung more of makikinig ba ako or more of manonood dapat.. haha..

yung stage masyadong bare. not so DUP ang set at costume.. na usually bonggang bongga... eto simple lang.. baka kasi ganun lang dapat talaga.. haha..ewan.. nastress ako sa bench na di ko malaman kung sa loob ba yun ng bahay o sa park.. haha.. pero parang sa bahay e.. tapos may painting na walang nakapaint.. yung ilaw din.. hindi ko alam kung bakit ganun.. o ganun ba dapat talaga.. parang minsan nadidiliman ako... parang feeling ko minsan mali or kulang or sobra ang ilaw.. haha..

at wait.. yung mga scenes pala na may mga naghuhubad.. i think yung iba hindi naman masyadong necessary na gawin yun... yung magpakita ng pwet.. haha.. i think yung valid lang na paghuhubad ay yung kay andoy ranay, jojit lorenzo (top lang naman yung sa kanya) at yung kay tuxqs sa dulo.. yung iba i think kaya naman mabuhay ng play kung hindi nila pinakita ang katawan nila.. haha..

pero natuwa naman ako sa napanood ko. hindi ganun kaganda.. pero definitely hindi siya panget ^_^
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

Dead Stars & Sepang Loca


by UP Playwrights' Theatre

direction and adaptation by Anton Juan, Jr.

Dead Stars (2 stars)

well.. magaling sila kung acting lang ang pag-uusapan.. pero feeling ko kasi hindi magandang gawing play ang Dead Stars.. maganda yung story niya kung babasahin mo pero kung papanoorin mo.. hmm.. di ko yata nagustuhan.. kasi naman parang puro dialogue.. wala masyadong "action".. parang mabuti pa nagbasa ka at inimagine mo na lang.. kesa manood ka ng almost 1 and a half hour na play.. tapos yung lines pa minsan patalinghaga.. so feeling ko mas ma.. hmm.. ano kayang term.. mas malalasap or maabsorb mo yung thought ng sinasabi nila.. yung mga pagpapakalalim nila.. kung binabasa mo.. ayun lang.. mejo inantok ako.. hahaha... at may ibang part na di ko sure kung naintindihan ko.. at english kasi.. may issue ako pag nanonood ako ng english na play eh.. haha..

Sepang Loca (4 stars)

buti na lang at back to back ito.. ahaha.. bumawi ang sepang loca.. kung gaano ako naboring sa dead stars, eto naman magulo.. haha.. maraming nangyayari.. ang galing ni via antonio (siya ang gumanap na sepa nung gabi na nanood ako).. kadiri yung props nila na baby.. parang tunay.. haha.. kaya lang medyo nadisappoint ako kasi parang nahulaan ko na agad ang story.. haha..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

25th Annual Putnam County Spelling Bee

grabe itong play na ito.. laughtrip.. haha.. super enjoy..

habang nanonood ako, narealize ko na jologs talaga ako sa spelling... at napakarami talagang words para malaman mo lahat ang mga ito.. karamihan sa mga pinaspell first time ko lang naencounter... haha..

ang galing ng production.. ang gaganda ng mga kanta.. aliw.. nakakatuwa din yung mga kanya kanyang techniques ng mga contestant.. haha.. at syempre ang nagpainteresting sa palabas ay yung mga drama sa buhay ng bawat isang character..

nakakaaliw din yung mga guest spellers.. may galing sa audience tapos may celebrities.. tapos pag sa guest speller ang dadali ng pinapaspell nung una.. haha.. kunyari spell dog, bingo.. mga ganun lang.. ahaha.. pero benta sa kin yung mga use in a sentence.. the following are not spoilers kasi iba iba naman ito kung iba na ang guest spellers. haha..

example:
si raymond lauchengco pinapaspell ng GLIMPSE.. can you use it in a sentence please, sabi niya. "Farewell to you my friend. We'll GLIMPSE each other again".. wahaha.. eh kanta niya yun.. hahaha..

tapos may spell bingo. use it in a sentence "* * * * * and bingo was his name"... hahaha..

spell dog.. definition please.. "a dog is a dog".. tama ba naman yun!?!

minsan naman yung definition, yun din yung use in a sentence.. hahaha. nakakaloka.. parang hindi naman nakatulong...

pag ipapalabas ulit sa pilipinas, panoorin niyo. ALIW ^_^
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

Virgin Labfest 4 Revisited

eto siguro yung pinakamagaganda last year kaya ito ang pinili nilang ipalabas ulit this year..

Ang Kalungkutan ng mga Reyna (5 stars)
by Floy Quintos

andami ko nang nakitang magagandang reviews about this last year.. kaya nung nalaman ko na ipapalabas ulit ay ineffort kong panoorin.. idol ko kasi si shamaine buencamino... ang galing nito.. baklang bakla.. hindi mo mamamalayan na seryoso na pala ang pinag-uusapan.. na ang kalagayan na pala ng bansa ang totoong topic at hindi ang buhok ng presidente.. haha.. nakakakilabot din ito.. hindi ko maexplain.. siguro kasi masyadong malalim.. pero may part na medyo nalost ako.. hindi kasi ako familiar sa mga kwento ng mga reyna sa iba't ibang lugar sa mundo.. naamaze ako dun sa pagkakabit nila ng personality sa iba't ibang hairdo.. na ang physical na anyo at asal na ipinapakita daw ng namumuno ay may effect sa kanyang pamumuno o sa mga taong kanyang pinamumunuan.. basta ang galing nung idea.. natuwa ako.. at kahit ulit ulitin ko ito hindi yata ako magsasawa.. parang naipakita pa dito na hindi lahat ng bakla ay BAKLA LANG.. may mga baklang may sense.. ang galing nina shamaine buencamino at tuxqs rutaquio... ^_^

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna (4 stars)
by Job Pagsibigan

ang ikli nito.. haha.. di ko alam kung ganun lang talaga yun kaikli o parang preview lang ba ito.. para lang tuloy siyang commercial sa pagitan ng 2 mahabang plays... pero in fairness aliw ito.. ang ganda ng choreography.. hindi nga lang magaling umarte yung "anak ni Darna".. haha..

Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte (5 stars)
by Rogelio Braga

eto isa pang baklang istorya.. bonggang bonggang kabaklaan ang ipinakita.. pero seryoso din talaga ang topic.. sa sobrang entertaining ang personality ni bambi (yun nga ba yung pangalan niya) hindi mo na napapansin na sa pag-uusap nila ni habal-habal driver ay parang naireport na nila ang sa manonood ang issue ng mga tao sa lanao.. ang galing eh.. hindi mo mamamalayan na seryosong bagay na pala ang dinidiscuss..haha.. nakakatuwa! ^_^

kung may rerun ito, panoorin niyo.. promise sulit ito!
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

VLF 5 SET E: Life is a Trap (Three Plays in Search of Escape)

Paigan (4 stars)
by Liza Magtoto

eto historical.. medyo hindi ako nakarelate nung umpisa kasi hindi ko yata napag-aralan ang part na iyon ng history ng pilipinas.. hindi ko kilala si david paigan.. hindi ko nga alam yung totoong spelling ng paigan.. kung paigan ba talaga o pagan lang.. haha.. basta siya daw ay isang black american soldier na nakisimpatya sa laban ng mga pilipino para sa kalayaan nung panahong hawak tayo ng mga amerikano.. in fairness nakapagbigay naman sila ng enough details para makarelate ka at maintindihan mo ang story.. comedy ito.. naaliw ako.. natututo ka ng history in an entertaining way :)

Hate Restaurants (3.5 stars)
by David Finnigan

sa lahat ng napanood ko, ito yata yung hindi ko sure kung naintindihan ko.. haha.. i mean naintindihan ko kung anong nangyari pero parang hindi ko ata sure kung tama ang interpretation ko sa napanood ko.. hindi ko sure kung ang message ba na nakuha ko ay yun talaga ang nais iparating ng story.. okay naman ang acting ng mga artista.. ang weweird nilang lahat.. haha.. nakakaloka ang kanilang mga personality.. may entertainment value.. sumakit nga lang ulo ko dahil napaisip ako kung naintindihan ko ba talaga.. haha..

Isang Araw sa Peryahan (5 stars)
by Nicolas Pichay

ito ang isa pa sa mga paborito ko sa lahat ng napanood ko.. ang simple pero may dating.. akala mo nung una isang pathetic love story lang ang mapapanood mo. pero hindi pala.. may mas malalim na issue.. hindi masyadong outstanding ang mga artista.. tama lang para maitawid ang roles nila (although yung guy parang di talaga bagay sa role niya. haha!).. pero yung script talaga ang nagdala sa play.. ang galing nung pagakakagawa sa personality ng bidang babae... nagustuhan ko yung takbo ng isip niya.. ang galing niya magconverse.. bigla na lang madadala niya ang usapan sa part na tagilid na naman si lalaki.. hahaha.. ang galing! i enjoyed the rollercoaster scene.. natanggal ang migraine ko sa part na yun.. at nagustuhan ko yung idea niya na hanapin ang nawawalang lyrics ng kanta.. haha..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

VLF 5 SET D: The Family that _____s Together (Tatlong Dulang Walang Diyos)

ito na yata ang set na may pinakamababang rating para sa akin.. pero hindi naman ako hindi nag enjoy.. okay lang.. the family that ____s together.. ____ kasi ang manonood daw ang bahalang magfill in the blanks...

Maliw (4 stars)
by Reuel Molina Aguila

huhu.. nakakalungkot ito.. pumatak ang luha ko nung patapos na ang palabas.. tungkol sa mga desaparesados ito.. nung time pa naman na pinanood ko ito ay third (yata) year anniversary ng 2 up student na pinaghihinalaang dinukot ng militar.. well, politikal na naman.. pero mas nagfocus dun sa pasakit ng pamilya ng mga nawawala.. nagustuhan ko yung pagkasulat..

Boy-Gel ang Gelpren ni Mommy (3 stars)
by Shielfa Alojamiento

ang taas ng energy ng mga artista sa palabas na ito.. haha.. nakakaaliw sila panoorin. masaya ang script. makulit.. lalo na yung dalawang batang magkapatid.. pero kung iisipin, ang topic ng story ay masyadong mabigat para sa bata.. parang di pang kids ang story.. haha.. pero yun nga ang nagbigay ng kulay sa story, ang pag grasp ng mga bata sa situation na kinahantungan ng kanilang parents.. nagandahan na sana ako dito ng bonggang bongga.. kaya lang disappointing ang ending! parang uber bitin.. parang dinala ka nila sa tuktok at iniwan kang nakasabit.. haha.. di ko matanggap ang ending.. parang "yun na yun".. haha.. di ko matanggap.. ano kaya ang intensiyon ng pagkakagawa ng ending na iyon? hindi ako natuwa.. haha.. (hindi ako galit!)

Cherry Pink & Apple Blossom White (3 stars)
by George Kabristante

eto pa isang may japanese japanese portion.. haha.. sorry may issue talaga ako dun.. pero kasi nasa japan naman daw kasi sila kunyari nung umpisa kaya katanggap-tanggap naman.. hindi ko masyado nagustuhan kasi parang ang gulo-gulo nila.. haha.. ewan.. naintindihan ko naman.. pero basta parang ang daming paepek na instead of nakakatuwa, naguluhan ako.. haha.. pero nice ang issue na pinresent.. alam ko maraming pilipino ang nakakarelate sa ganung sitwasyon.. yung tipong gagawin mo ang lahat para makuha ang gusto mo, in this case, ang magtrabaho sa japan.. pero siyempre hindi mawawala sa eksena ang mga taong "matatalino" at manggugulang sa iyo... hay.. haha..
 Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

Noli at Fili (Dos Mil)


by PETA

well well well.. first time ko nanood ng PETA production.. and... i enjoyed the play :)

bilang fan ng nobela na Noli at Fili ni Dr. Jose Rizal, naging interesado talaga ako nung nakita ko ang ad about this.. at buti na lang hindi ako binigo ng script at ng mga artista...

lahat ng artista ay maayos naman ang pagkakaganap sa kanilang role. yung gumanap nga lang na isagani ay may coñotic tono minsan kaya nakakadistract pag malalim na tagalog ang lines niya.. tapos halos lahat sila ay nagsstutter.. pero yung iba naman nadadala nila at hindi na masyadong nahahalata.. siguro kasi ang hahaba ng lines nila.. may mga bigating artista sa play tulad nina bembol roco at robert seña. okay naman ang acting nila. just right. hahaha.. at ang ganda ng boses ni robert seña :) yung gumanap na ibarra din magaling :) yung first scene ang ganda. kaya lang ang bigat. ang sakit sa puso. ang galing kasi nila umarte kaya affected ako. haha..

sa totoo lang para sa akin ang nagdala ng play ay ang script. may mga palabas kasi na kahit panget ang story, nadadala ng staging ng mga artista. pero ito iba. okay na yung acting, ang ganda pa ng pagkasulat. ang galing ng naisip ng writer na si Nic Tiongson, icombine ang "konsepto" ng dalawang nobela at irelate ito sa kasalukuyan.. nagustuhan ko din ang pagkakamodernize niya sa mga characters ng noli at fili.. although naisip ko lang na masyado nang palaban ang maria clara na ginawa niya.. iba kasi ang tingin ko kay maria clara sa mga nobela ni rizal. feeling ko isa siyang weakling. hahaha.. at hinahanap ko ang shades ni simoun (yung bad boy ibarra).. feeling ko kasi hindi kumpleto ang darkness ng character ni simoun without the shades (by the way, walang simoun sa play, pero may bad boy ibarra at yung ang tinutukoy ko. simoun kasi ang bad boy ibarra sa fili)... minor detail lang naman yun at personal opinion ko lang ito. haha!

well.. ayun lang.. natuwa naman ako.. pero iniisip ko lang kung paano kaya ang dating ng palabas sa mga taong hindi pa nabasa ang mga nobela. wala lang. naappreciate kaya nila.. haha.. ako kasi halos memorize ko ang mga nobela.. haha..

maganda siguro ito ipapanood sa mga highschool students na nag-aaral/mag-aaral ng nobela. mas makakarelate sila dito... nagustuhan ko yung part na pinag usapan nila ang tungkol sa pagbatikos sa gobyerno. kapag pinalitan mo nga ba ang kasalukuyang namumuno ay makakasiguro ka na may magandang pagbabagong magaganap? nasa politiko ba ang problema o ang sistema mismo? eto talaga applicable sa kasalukuyan. haha..

pinatunayan ng palabas na ito na history repeats itself.. wahaha. parang joke.. hindi.. ang point ko lang ay hanggang ngayon kahit malaya na tayo (di ba yung noli at fili yung setting nun panahon na sakop pa tayo ng mga kastila), parang same pa rin ang problemang kinakaharap ng bayan natin. hindi nagamot ng pagkamit ng kalayaan ang kanser ng lipunan na mayroon tayo mula pa noon.. siguro kasi nawala nga ang mga banyaga, yung mga kababayan naman natin ang nananamantala sa ating bansa. well.. sabi nga ng isang character sa play, kailangan ang pagbabago ay magsimula sa ating sarili. at sana nga matutunan nating lahat. kaya dapat lahat ay makapanood nito. hahaha!

so nood na. schedule here ^_^: http://rieziel07.multiply.com/journal/item/120/Noli_at_Fili_Dos_Mil_-_PETA
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

VLF 5 SET C: Blood Sports (Trilohiyang Dinuguan)

ito ang pinaka PABORITO kong SET ^_^.. dahil siguro "madugo" nga ito.. at mahilig ako sa mga ganung story. wahahaha!

Kitchen Medea (4 stars)
by Kiyokazu Yamamoto

gusto ko ito kasi siguro mahilig talaga ako sa mga kwento na may "evilness".. hahaha.. 5 stars na sana kung bago ko ito napanood ay nalaman ko kung sino si MEDEA sa Greek Mythology.. hahahaha.. mas naappreciate ko siguro kung alam ko na nung una pa ang kwento ni medea. bilib talaga ako sa mga artista na kaya magdala ng isang palabas kahit mag isa lang sila. at nagalingan ako sa kanya (kay Medea, na hindi ko na naman alam kung ano ang pangalan niya. huhu).. isa pang factor kung bakit slightly di ko nagustuhan ay dahil may japanese sa dialogue (hello rian! japanese kasi yung writer!).. ahaha.. wala lang.. may iba kasi ako naaalala kapag nakakarinig ako ng nagsasalita ng japanese..

Doc Resurrecion: Gagamutin ang Bayan (5 stars)
by Layeta Bucoy

para sa akin, ito ang one of the bests sa lahat ng napanood ko.. shet! haha.. ang ganda ng story, ang ganda ng issue na pinakita, ang galing ng pagkakadirect, ang galing ng mga artista... nakakakilabot.. yun ang hinahanap ko sa mga pinapanood ko, yung kilabot factor.. yung tipong hindi mo agad malilimutan after mo panoorin.. haha.. ayun lang.. wala na akong masabi. love it! ^_^

Asawa/Kabit (4.5 stars)
by George de Jesus III

kung maldita ka, sigurado magugustuhan mo ito. at kung hindi naman, baka madiscover mo ang inner maldita-ness lurking inside of you.. hahaha.. ang galing eh.. may 2 babae lang na nag-uusap pero ang taas ng entertainment value.. ang gaganda kasi ng mga maldita lines nila.. nakakaaliw yung mga lines nilang pang bitchesa.. haha... dami ko natutunan.. pero hindi lang naman puro pasaringan, may part din na malalim na ang pinag-uusap nila.. ang magandang lines nila ay sinamahan pa ng magandang pagkadeliver.. very good ang 2 artista :)
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

VLF 5 SET B: It's Complicated (The Buhul-buhol Trilogy)

Ang Mamanugangin ni Rez (4 stars)
by Clarissa Estuar

ang simple lang ng kuwento nito (wait! simple pero complicated pa rin so fit pa rin sa category ng set na ito. complicated pa rin ang story pero siguro naisip ko na simple lang kasi common na na nangyayari sa tunay na buhay).. simple pero nagustuhan ko. . ordinary pero ang ganda kasi ng pagkadeliver ng conflict at ng ending.. hmm.. paano ko ba ieexplain? basta. nagustuhan ko yung story. ang gaan lang panoorin. nakakaaliw ang script at okay din naman yung mga artista. parang natural lang. sa sobrang simple wala na akong masabi. haha. pero nagustuhan ko :)

Salise (4.5 stars)
by J. Dennis Teodosio

eto mas complicated ng konti kaysa sa nauna. pero alam kong hindi rin malayong nangyayari sa tunay na buhay. sa hirap nga naman ng buhay, people tend to do things na hindi na katanggap tanggap sa society. pero nagbubulag bulagan na lang ang mga tao sa paligid niya since nagbebenefit din naman sila sa "hanap-buhay" na yun. natuwa naman ako sa ginawa nila sa set, yung bumabaliktad yung wall sa likod para maiba yung setting. okay din naman ang mga artista except for the guy na nagseserbis dun sa bading (hala nalimutan ko na ang pangalan ng characters!). hindi ko gusto ang acting niya. masyadong OA. haha. nagustuhan ko yung ending. maganda ang pagkakasulat at ito ang pinakanagustuhan ko sa set na ito. (yung writer ata nito ay yung writer din ng luneta MIXX na ginawan ko din ng review last time)


So Sangibo A Ranon Na Piyatay O Satiman A Tadman (3.5 stars)
by Rogelio Braga

ito ang pinakacomplicated na story sa set na ito.. hmm.. hindi naman super complicated.. parang more on MABIGAT sa damdamin.. ahaha.. grabe! parang nadepress ako after ko mapanood. kaya siguro pinakamababa yung rating nito sa set na ito para sa kin.. magaling naman ang mga artista. nalungkot lang siguro ako kaya hindi ko masyado nagustuhan... haha.. para siyang sequel ng Ang Bayot, Ang Meranao at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte na entry din sa lab fest last year. well. from the same writer naman eh.. siguro kasi gusto niya magfocus sa issues ng mga Meranao..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.

VLF 5 SET A: School of Life (Mga Dulang Walang Pinag-aralan)

Isang Mukha ng Pandaraya (4 stars)
by Oggie Arcenas

medyo hindi na bago yung kwento.. predictable... pero intriguing.. at based sa isang tunay na pangyayari.. siguro nagustuhan ko lang kasi nahalata ko agad na parang UP yung setting.. haha! pero kahit predictable yung kwento, okay naman yung lines ng mga character. i mean nagustuhan ko yung details ng buhay ng mga character at kung paano sila related sa isa't isa...highlight para sa kin ay yung scenes sa comfort room nung 2 abogado at nung 2 estudyante.. i love the maldita lines of the two girls.. okay naman yung acting ng lahat ng character.. hindi outstanding pero enough naman para maitawid ang character na ginagampanan nila. si judge nga lang (hindi ko alam pangalan) minsan napagpapalit ang pangalan ng nasasakdal at ng nagsasakdal (complainant). haha. eto lang ang hindi comedy sa set na ito. seryoso ito. pero hindi boring..

Ang Huling Lektyur ni Misis Reyes (4.5 stars)
by Tim Dacanay

ito ang pinakapaborito ko sa set na ito. bilib ako sa artista, kay misis reyes (na hindi ko alam kung ano ang pangalan. hahaha!) dahil mag-isa lang siya nagperforn sa loob ng i think 30-45 minutes.. di ko sure kung gaano kahaba.. although may part dun na kinuha niya ang script dahil medyo nalost ata siya (kaya 4.5 stars lang at hindi 5. hahaha!), nagawa naman niya yun na kunyari kasama sa palabas. pero ang galing niya kasi kumonek sa audience.. walang dull moments.. and i think dahil din yun sa maganda ang pagkakasulat ng script. maganda ang istorya.. para sa kin bago ito kasi parang kaunti pa lang ang materials na nakikita ko na tumatalakay sa issue ng sex education sa bansa natin... at ang galing kasi sa umpisa hindi mo malalaman na dun pala papunta ang kwento..

Mababang Paaralan ng Caniogan (4 stars)
by Job Pagsibigan

ito ay laughtrip. haha. kasi inexaggerate nila ang lahat para gawing katawa-tawa ang kalunos-lunos na situation ng education system sa ating bansa. tama ba itong mga pinagsasabi ko? haha! basta ganun.. parang typical na "tawanan na lang ang problema" mentality. pero alam ko naman na ang bottom line pa din ay ang pagpapahatid ng protesta sa kabulukan nga ng sistema. medyo exag din yung acting nung mga artista.. hindi ko alam kung nagustuhan ko o na-OAyan ako pero natawa naman ako... feeling ko kasi masyado ako malapit sa stage kaya mukhang exag.. kung sa malayo siguro mukhang tama lang..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.    

Silang Magigiting

Gantimpala Theater Foundation's presentation for independence day..

nakakaaliw siya. akala ko nung una seryosong play ito kasi tungkol sa history at sa mga bayani.. buti na lang hinaluan nila ng humor para naman hindi boring..

actually, yung play ay parang pang elementary at highschool.. hahaha.. parang summary yun at dramatization ng mga inaaral nila.. dapat ipapanood ito sa kanila para naman mapagtagpi-tagpi nila yung ginawa ng mga bayani.. tapos kinanta yung Alerta Katipunan.. naalala ko kinakanta namin yun sa choir nung elem.. haha. nostalgic.

parang nanood ako ng Bayani, yung palabas sa channel 2 dati.. yung nagtitime travel.. haha..

favorite ko yung last part kung saan may hawak na malaking watawat yung mga artista tapos tumutugtog yung Lupang Hinirang.. tapos after nun tumakbo sila papunta sa audience area at sinakluban ng watawat ang audience.. haha.. hindi pala sinakluban.. hmmm... basta dumaan yun watawat sa ulo namin.. after lumagpas ng watawat sa akin lalo kong nafeel na pilipino talaga ako.. haha..

may isang tanong yung isang character sa play na nag stick sa isipan ko.. tinanong niya kasi si tandang sora bakit daw nakikipaglaban ang mga pilipino sa kastila? sabi ni tandang sora para daw makamit ang kalayaan, at pati na rin ang pagkakaisa at kaunlaran. tapos sabi nung bata bakit daw sa panahon nila (which is ngayon) malaya na naman ang pilipinas pero bakit hindi pa rin ganap na nagkakaisa ang mga pilipino at hindi pa rin naman tayo umuunlad?

oo nga naman.. bakit nga ba ganun? tsk tsk tsk.. nakakalungkot...
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.   

Luneta MMIX

ito ang culminating activity ng mga nagworkshop for musical theater sa gantimpala theater foundation....

super enjoy yung palabas.. tawa na naman kami ng tawa.. although halatang baguhan lang yung mga artista, kinaya naman nila.. may mga sobrang nahihiya pa.. may mga kering keri naman ang kanilang mga roles.. at may mga ibang konting polish na lang, pwede na.. hahaha.. (ano ba pinagsasabi ko?).. i think enough naman yung performance nila para masatisfy ang kanilang workshop facilitators na sina Roeder Camañag at Onyl Torres..

nakatulong din sa pagdadala ng palabas yung mismong story. aliw kasi.. simple lang pero nakakaaliw.. sinulat ito ni Dennis Teodosio... tungkol ito sa mga magbabalot at photographers sa Luneta na nakakasaksi sa iba't ibang eksena at emote ng mga taong napapadpad sa Luneta..

sulit ang bayad namin.. effective na pang unwind :)
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.  

    Si Chad

    Si Chad, a.k.a. Richard, ay mahilig manood ng mga play. Dati, sa sine lang siya nanonood ng play, pero nung hinatak siya ni Rian manood live, aba, nahumaling na. Kaya heto, binablog na niya ang reviews niya.

    Ay, sana may magbalita sa akin ng mga play scheds. Kung meron, email niyo ko sa richardbernal@live.com. Hihintayin ko yan!

    Si Rian

    Si Rian, a.k.a Rieziel Ann, ang talagang adik manood ng play. Halos lahat ng reviews dito ay siya ang nagsulat (na kinuha ko lamang sa KAHArian niya).

    Dahil tamad siyang mag-edit ng Blogger account niya, wala tuloy siyang picture.

    Followers