Rent

Post to dapat ni Rian. Nakalimutan na niya ang password niya kaya ako na lang ang magpopost.
well.. well.. well.. antagal ko to hinintay. we watched the feb 19 show..sa wakas napanood ko din. haha!

super kinkabahan ako na baka madisappoint ako. andami ko na kasi narinig na negative reviews..

sa totoo lang, nagustuhan ko naman.. as in nag enjoy naman ako. haha. kasi naman halos memorize ko naman ang lahat ng kanta. at gusto ko talaga yung mga kanta dun at yung kwento mismo.. so ang inaabangan ko na lang ay kung paano iiinterpret ng group nila..

ayos naman. haha! nandun naman lahat ng factor na inabangan ko.. magagaling naman sila kumanta. hindi nga lang perfect. haha! si idol (kuya onyl, haha close!?!) pa naman ang vocal coach.. tsk tsk tsk..

nagustuhan ko naman. pero bakit 3 1/2 stars lang.. haha.. kasi nga may nagfflat, may nagshasharp... hahaha! ang critical ko naman.. pero sige palusutin na natin yun... pero meron kasing kulang sa acting.. mali ang blocking.. haha. kasi naman musical play yun, hindi concert.. kaya dapat may acting factor.. haha..

sabi ni kuya kung paghiwalayin ko daw ang rating ng acting at vocals, ano ang rating? vocals 4 1/2 pero ang acting 2 1/2. haha. ang sama ko.. bakit ba kasi?

si Gian Magdangal (Roger) very good kumanta. as in.. haha. i like his voice. haha. ang galing niya kumanta! kaya lang kinapos sa acting. hahaha. sorry...

si Cara Barredo (Mimi) naman para sa kin maganda din boses niya. pero nung kinanta niya yung Without You (yun lang naman yung pinakapaborito kong kanta sa Rent), parang hindi ko nagustuhan.. huhuhu..

si Fredison Lo (Mark) naman masyado niya ginaya yung portrayal sa film. haha. pero gusto ko pag naghaharmonize sila ni gian..

si Carla Guevara-Laforteza (Maureen) very good din.. super galing niya, natakot na ako sa kanya.. haha!

si Jenny Villegas (Joanne) din okay naman. maganda ang boses :)

si Angel (Job Bautista) although may times na pumuyok na siya, binawi naman niya sa performance level.. as in.. bibo kid of the day! haha.. very good ang acting.. i like him na! considering debut theatrical performance niya ito (according sa souvenir program na binili ko at pinasign ko pa sa kanya! haha!)..

everyone else is very good also sa pagkanta.. everyone sa ensemble.. pero ang may pinakabonggang performance ay si.....

OJ MARIANO (Tom).... very good sa pagkanta at may acting factor din. haha! hindi ko kasi inexpect siguro na magaling siya umarte. lalo na pag eksena nilang 2 ni angel. yung I'll Cover You Reprise, naiyak na ako.. ang galing ng version niya.. waaaaah!

ang haba. haha. manood din kayo. kung hindi ka masyadong magiging critical, maaaliw ka naman. naaliw naman ako sa kantahan kahit disappointed ako sa acting. haha! :)

Season Pass sa Repertory Philippines?

Hmmm...

Tinatanong ako ng kapatid ko kung bibili ba kami ng season pass sa Repertory Philippines.

"E ano ba ang naka-line up nila?" ang tanong ko. Inenumerate naman sa akin. Eto daw:
  • Duets
  • Romeo and Bernadette
  • Equus
  • Sleeping Beauty
  • Little Women
Mag-reresearch muna ako. Bukod sa kontrobersiya ni Daniel Radcliffe, wala akong alam sa "Equus." Ayon sa blog ni Gibbs, musical daw ang "Romeo and Bernadette." Yung "Sleeping  Beauty" at "Little Women," ang alam ko lang dun ay yung mga nabasa ko sa libro -- as in yung fairy tale at yung nobela.

Sana, ilibre na lang ako ng kapatid ko para wala nang diskusyon. Bwahahaha!

2010 Play Schedules (so far)

Excited na ako for 2010! At this point, may dalawang play na akong naka-line up na papanoorin.

Manonood kami ng kapatid ko ng Rent on February 19, 8:00 PM sa C.P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza. Since musical ito at sobrang favorite ko yung movie, excited na ko mapanood ito. Sana magagaling ang players dito.

Sa August 8 naman, sa CCP, 8:00 PM, Cats naman ang papanoorin ko! Siyempre, pakana nanaman ito ng kapatid ko. Mejo dukha ako ngayon kaya sa bubungan lang ang seats pero magdadala na lang kami ng pocket binoculars para naman mas exciting! Ehehehe!

If you have time, sama kayo!!!

Gantimpala Theatre Presents “Kapulungan ng mga Diyos” at the Rizal Park Open Air Auditorium

Kaninang umaga, ginising ako ng kapatid ko, si Rian, dahil isasama daw niya ako sa lab niya sa UP. Kailangan daw niyang magtrabaho ngayon para wala na siyang poproblemahin pagdating ng 2010. Yun lang sana yung plano. Kaya lang, may nagsend ng message sa kanya sa Multiply. May play daw ang Gantimpala Theater sa Rizal Park sa Open Air Auditorium! Naku, sa isip-isip ko, baka magdusa lang ako buong araw dahil trabaho talaga ang totoong purpose ng pag-alis namin kanina at hindi ako sure kung ano yung play. Ang sabi lang niya sa akin, Gantimpala Theater daw ang production at ang title ng play ay "Kapulungan ng mga Diyos." Sobrang wala kaming kaalam-alam, kung tungkol saan ang play dahil hindi niya binasa ang synopsis pero ang sabi niya, Gantimpala Theater ang gagawa at free naman daw, so pumayag akong sumama. Kaya lang, parang kinabahan ako dahil sobrang in the dark ako about the play at ayaw ko namang ma-bore sa Luneta. Pabuntong-hininga, sinabi ko na lang, "Sige na nga." Dahil wala akong expectations, nagustuhan ko ang play na ito!

Bukod sa mga obvious na rason - libre siya - nagandahan ako sa performance ng Gantimpala Theater dahil musical ang play, witty ang modernization, magaganda ang costumes, ayos ang lighting, magagaling ang mga actors and actresses, at pinag-isipan ang set and special effects design!

Pagdating namin sa bahay, ni-research ko agad ang play. Ayon sa blog ni Gibbs Cadiz, based pala ang play na ito sa play na isinulat ni Dr. Jose Rizal! Ang original title pala ay "El Consejos delos Dioses" na isinulat noong April 1980. Simple lang ang plot ng play. Sa Paraisong Kayumangi, nagtipon-tipon ang mga diyos ng mga katutubong Pilipino. Dahil sa modernization, nathreaten ang pag-eexist ng mundo nila pati na ang kanilang existence so naisipan nila na pumili ng isang libro na librong iluluklok sa kataas-taasan para ma-immortalize at mag-ensure ng survival nila. Sabi nila, kapag ginawa nila yon, masisigurado nila na magsusurvive ang mga luma pero magagandang paniniwala kahit na mag-bago ang mga Pilipino. Ayon sa diyosa ng hangin, si Amihan, dapat daw, "Ibong Adarna" ang iluklok sa Bundok ng Buhay na Walang Hanggan dahil nagtuturo daw ito ng kabutihan. E dahil ibon din si Amihan, biased daw siya, kaya kinontra siya ni Diyan Masalanta. Ang sabi ng diyosa ng pag-ibig, dapat daw, "Florante at Laura" ang mailuklok dahil tungkol ito sa pag-ibig. Siyempre, biased din siya so may kumontra nanaman. Sabi ni Bulan, ang diyosa ng buwan, at ni Apolaki, ang diyos ng araw at pakikipag-digma, dapat daw, Noli Me Tangere at El Filibusterismo daw ang maluklok dahil nagtuturo ito ng pagiging makabayan. Siyempre, teaser tong synopsis na ito, so hindi ko sasabihin kung alin ang nanalo. Pero ang masasabi ko lang, kahit luma na ang plot, magaling ang pag-kakaexecute ng play.

Mula pa nung una akong maexpose sa mga play, gusto ko na talaga ang mga musicals at ito ang unang rason ko kung bakit ko nagustuhan ang "Kapulungan ng mga Diyos." Mejo nakaka-LSS ang mga kanta kahit na hindi ko masyadong na-memorize ang mga lyrics. Maganda rin yung choice ng instrumentation kasi, parang woodwinds ang background music. Light and airy ang dating sa akin na perfect fit dahil nga may pagka-fantasy ang dating ng play.

Bukod don, ang galing din ng adaptation ng script kasi talagang pinag-isipan ng Gantimpala Theater kung paano imomodernize yung dialogue. Para sa akin, effective yung pagpapasok ng mga salitang "BRB," at "chuva" sa dialogue dahil dun pa lang, tawanan na ang lahat ng nasa audience! Aba, pati nga yung mga batang tumatambay sa Luneta, hagalpakan sila sa katatawa. Kung ganun yung effect non sa mga batang walang malay, pano pa kaya sa mga may isip na, di ba?

Nakakatuwa rin ang mga costumes. Eto, tingnan niyo na lang.






Sayang, hindi ko napicturan yung mga leon na galing sa scene na involved ang "Florante at Laura." Sorry din at malabo ang pics. Pasmado kasi ako kaya hindi steady ang shots.

Kita ba sa pics yung parang glow in the dark effect? Ang galing noon. Sana, nakita niyo ito in person.



Gumamit sila ng black light para maemphasize yung mga white na costume at mag-glow yung ibang kulay. Magaling din ang pagkakagamit ng spotlight. Sa ibang parts kasi, may panahon na may solo ang mga diyosa. Effective yung pag-dim ng buong stage except for the spotlight; naemphasize talaga yung mga actresses.

Speaking of actresses at pati na rin actors, ang gagaling ng cast! For one thing, lahat ng main characters, kumakanta. Kudos to Meliza Reyes for playing Diyan Masalanta kasi sobrang bagay yung role sa kanya. Bilang diyosa ng pag-ibig, sexy siya, mahinhin, at matinis ang boses. Catty din ang mga pambabara niya sa isa pang bibigyan ko ng kudos, si Xeno Alejandro na gumanap bilang si Apolaki. Naaliw ako dahil consistent yung character niya. Mula simula hanggang dulo at kahit na kumakanta, namaintain niya yung -h sound sa pagdedeliver niya ng dialogue niya. Tipong ganito yata yung pagkakasabi niya sa El Fili, "El Filibusterismoh." Dahil sobrang emphasized nung -h sa mga syllables, may napansin akong ironic: diyos siya ng pakikipag-digma pero funny yung effect niya sa audience. It's not to say that it's bad; in fact, I like the contrast dahil hindi shallow yung pagkaka-execute ng character. Siguro, kung iba ang gumawa non, parang masungit at galit ang datin ni Apolaki - pero yung ganong portrayal, stereotypical at cliche na. Dahil funny siya pero confident sa pagdedeliver ng mga dialogue na nabudburan ng -h, buo pa rin ang idea na hindi siya takot maging funny. In fact, noone dared to make fun of the accent kasi halatang takot ang ibang characters sa kanya. Silang dalawa yung favorite kong players sa production na ito, pero inuulit ko, magaling lahat ng actors.

Finally, maganda rin yung set design and special effects! Yung entrance and exit ng mga characters, malinis ang pagkakagawa dahil maraming entrance and exits. Dun sa parang platform, may dalawang pinto siguro leading to the backstage kaya hindi monotonous na stage left and right lang ang entrance and exit. Hindi lang yon. Gusto ko rin yung pagkakagamit ng curtain na bumababa para i-cover yung center stage kasi nga may mga part na may solo ang mga diyosa. Lalong naeemphasize yung characters at yung kanta.

Oo, mejo technical ang review ko. Ehehehe! Pero anong magagawa ko, maganda eh. Sana may repeat para madala ko yung pinsan kong bata. I'm sure, mag-eenjoy din siya sa play na ito. Definitely a must see! At sakto pa; Rizal Day in Rizal Park watching a play based on a Rizal original. Panalo, di ba?

Si Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto


by Vincent de Jesus

ito ang last ng PETA for this season.. nagbago ng pamagat kaya mejo nalito ako.. akala ko tuloy iba ito. haha!

super aliw ang palabas na ito.. tamang tama sa isang super stressed na taong tulad ko.. makulit ang script. siguradong bebenta sa target audience: ang mga virgin voters. haha. although ako ay hindi na isang virgin voter, naaliw naman ako at marami akong natutunan.. dahil, as usual fo PETA, isa itong social commentary..

nakakaaliw yung konsepto ng Isla Filiminimon. haha. ang sarap sabihin ng filiminimon. ang kulit. tapos may filiminidaddy at filiminimommy. haha. ang kulit talaga. naaliw din ako dun sa isang character (hindi ko na maalala ang pangalan, basta yung si via antonio ang gumanap).. natutuwa ako pag sinasabi niya ang summer camF (summer camp). may p/f at b/v defect siya sa pagsasalita. at consistent sa buong play kahit ang bilis bilis na niya magsalita. hahaha!!!

yung character na diyablo sobrang ganda ng atake ni vincent de jesus. parang meant to be sa kanya ang role na yun. haha. well siya kasi ang nagsulat kaya dapat alam niya kung pano ang best way to portray that role. sobrang galing..

magaling sila kumanta lahat. magaganda ang boses.. aliw tlga pa musical..

mejo hindi ko lang nagustuhan yung thought na masyadong literal yung palabas para sa mensahe pero nagpanggap pa by using an imaginary island. but everything else is just philippine politics. haha. sabi nga sa palabas "perya"

ayun, masaya. sana lahat ng nanood natutunan ang leksiyon ng palabas..
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. Huli na to. Hopefully, sa account na ni Rian manggagaling ang mga posts. Bwahaha!

Amphitryon


by Dulaang UP

kung gaano ka-dark ang LULU.. eto naman super light.. hahaha.. not exactly.. kasi darating sa point na masakit na siya sa ulo..pero yung masaya na masakit sa ulo.. wahahaha! super funny.. benta ang mga jokes kasi very good ang delivery...

magagaling ang mga artista: neil ryan sese, lex marcos, george de jesus, paolo o'hara, diana alferez at gilleth sandico.. kaya lang 4 1/2 stars lang dahil sa pagstutter at minsang pagkalito ni gilleth sandico sa mga lines niya.. nakakadistract kasi..

i've seen neil ryan sese sa mga series sa abs-cbn at i think siya yung sa mangatyanan. tapos si lex marcos naman napanood ko na bilang ibarra sa noli at fili dos mil.. kaya naman nagulat ako ng bonggang bongga nung naging makulit na ang roles nila.. para kasing seryoso lang sila palagi.. di ko alam na kayang kaya nilang ipull-off yung mga ginawa nilang kakulitan.. yung mga patawang fight scenes (panoorin niyo para malaman niyo!!! promise,panalo!)..

tapos si paolo o'hara naman nakakaaliw din.. nadisappoint ako dun sa pagganap niya sa isang araw sa peryahan sa virgin labfest.. tapos natuwa na ako sa pagganap niya sa lulu.. pero pinakapanalo ang ginawa niya dito.. haha. nakakatuwa sila ni george de jesus.. panalo!!! si diana alferez din nakakaaliw.. ang kukulit nila....

set design is also panalo.. pati yung lighting.. nagustuhan ko yung ending.. simpleng bongga! hahaha.. basta..

panoorin niyo.. pang unwind.. nice kasi ang pagkagawa ng script.. benta ang kakulitan.. tatawa ka talaga ng bonggang bongga!

(salamat kay ate annie. at kay charlene. for the compli tix.. at kay sir windell na kapareho kong iniwan ang labwork para mag unwind.. sa uulitin ^_^)
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. 

Ismail at Isabel


isa na namang social commentary.. haha.. maganda.. di lang entertainment value.. may relevance.. may mensahe... at cultured..

ang ganda ng mga kanta.. ang ganda ng choreo.. nice :)

nakakaaliw: nakakatawa at nakakaiyak... story of friendship..

ang galing pala ni jihad. ang ganda ng boses niya :)

natuwa din ako sa mga shadow puppets... ang cute.. at ang astig kasi parang tunay :)

sana lang naintindihan din ng mga highschool students na kasabay namin manood. ang gugulo nila. nastress ako...
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger. 

    Si Chad

    Si Chad, a.k.a. Richard, ay mahilig manood ng mga play. Dati, sa sine lang siya nanonood ng play, pero nung hinatak siya ni Rian manood live, aba, nahumaling na. Kaya heto, binablog na niya ang reviews niya.

    Ay, sana may magbalita sa akin ng mga play scheds. Kung meron, email niyo ko sa richardbernal@live.com. Hihintayin ko yan!

    Si Rian

    Si Rian, a.k.a Rieziel Ann, ang talagang adik manood ng play. Halos lahat ng reviews dito ay siya ang nagsulat (na kinuha ko lamang sa KAHArian niya).

    Dahil tamad siyang mag-edit ng Blogger account niya, wala tuloy siyang picture.

    Followers