open audi + ulan = the show must go on!

haha. akala ko di matutuloy kasi umuulan. pero tumila din naman around 7 pm, just in time for the show.kahit basa ang mga upuan, nanood pa din kami (ako, karren and fred).

gusto ko talaga mapanood ito. nakita ko kasi na si mr. jojit lorenz ang gaganap na bien aligtad. eh idol ko siya, napakagaling na artista.

pero hindi lang pala siya ang magaling. halos lahat sila. favorite ko sina Dorothy Hope Mariano, Joey David, Doreen Bernal (kamag anak ko kaya siya? haha!) at pati ang buong koro.

ang ganda ng choreo.. ang gagaling nila sumayaw (may chicken dance sila na katulad ng napapanood sa tropang trumpo dati at may otso-otso din) at kumanta (hindi ko alam na musical pala. haha!). nakakatawa na nakakatuwa. may mga part na nakakakilabot. haha. yung mga "issues" sa ating lipunan ginawa nilang katatawanan. pero siyempre habang pinapanood mo at tumatawa ka, mapapaisip ka na bakit nga ba ganito ang lipunan natin. (ano ba naman ito, kunyari nagpapakalalim ako. haha!). basta! halos lahat ng characters sa story, kung hindi ikaw ang makakarelate, makakaisip ka ng mga tao na makakarelate. parang pasimpleng nangwawapang (sorry for the term pero hindi ako makaisip ng ibang word na magfifit sa nais kong sabihin) ng mga tao ang script. nakakaaliw din pala yung script. kasi naman yung ibang lines nila super lalim na tagalog, yung tipong di ko na maarok o mahinuha. tapos biglang magiging konyo or gay lingo. hahahaha.. nakakaaliw. tawa ako ng tawa... at nagulat na naman ako sa sound effects nila. yung sa barilan portion, parang katulad nung sumabog yung lampara sa fili, parang tunay na pagsabog ulit. haha..

(may panalo palang blooper! bigla na lang may narinig na "p*t*ng*n*! sinong kumuha ng rifle ko?" na wala namang koneksyon sa eksena sa stage. haha. ayun pala yung isa sa koro na nasa backstage, hindi niya ata alam na naka-on pa rin ang mic niya. ahaha! oh well, tao lang naman siya.. nagkakamali..)

sa mga gusto pang manood, sa nov 8 (saturday) 6pm sa open air auditorium sa luneta. admission is free! :D ang BIEN ALIGTAD nga pala ay nanalo ng 1st prize sa CCP Playwriting Contest noong 1985. directed by Roobak Valle.
Pakiusap po, paki-oso, yes, please bear with me. Kay Rian tong review na to. Minamigrate ko lang dito sa Blogger.  
0 Responses

    Si Chad

    Si Chad, a.k.a. Richard, ay mahilig manood ng mga play. Dati, sa sine lang siya nanonood ng play, pero nung hinatak siya ni Rian manood live, aba, nahumaling na. Kaya heto, binablog na niya ang reviews niya.

    Ay, sana may magbalita sa akin ng mga play scheds. Kung meron, email niyo ko sa richardbernal@live.com. Hihintayin ko yan!

    Si Rian

    Si Rian, a.k.a Rieziel Ann, ang talagang adik manood ng play. Halos lahat ng reviews dito ay siya ang nagsulat (na kinuha ko lamang sa KAHArian niya).

    Dahil tamad siyang mag-edit ng Blogger account niya, wala tuloy siyang picture.

    Followers